Mga Pinoy ligtas sa pagbagsak ng tulay sa Baltimore – PH Embassy

Walang Pinoy na nasawi sa pag-collapse ng Francis Scott Key Bridge sa Baltimore, ayon sa Philippine Embassy sa Amerika.

Walang Pinoy na nasawi sa pag-collapse ng Francis Scott Key Bridge sa Baltimore, ayon sa Philippine Embassy sa Amerika.

“As of 10:45 AM (US Eastern Time), no Filipino citizen on the bridge or the ship was reported injured or killed in the incident,” ayon kay Consul Mark Dominic Lim.

Patuloy naman ang pagmo-monitor ng PH Embassy sa nangyaring trahedya sa Baltimore.

Bumagsak ang Francis Scott Key Bridge sa Baltimore nitong Martes, kung saan nakita sa video ang aktuwal na pagkawasak ng tulay.

Ayon sa report, nawalan ng power ang cargo ship na Dali dahilan para dumiretso ito sa footing ng tulay.

Anim na katao ang nawawala sa nangyaring insidente. Batay sa mga awtoridad, posibleng nasawi na ang mga missing person.

Ayon sa mayor ng Maryland, nalimitahan nila ang mga sasakyang dumadaan sa tulay matapos na magpadala ng warning ang barko.

Ang mga nawawalang tao ay parte ng construction crew na may kinukumpuni sa Francis Scott Key Bridge.

Samantala, dalawang tao ang na-rescue na ng awtoridad sa nangyaring pagguho ng tulay.

Isa ang patuloy na ginagamot sa ospital, habang ang isa ay nakalabas na.

Samantala, inaaalam pa ng awtoridad kung ilan ang kotse na dumadaan sa tulay nang bumagsak ito.