Mga Pinoy ligtas sa matinding baha sa Dubai – DMW

Walang napaulat na nasawing Pilipino sa kabila ng matinding pagbaha sa Dubai, UAE.

Walang napaulat na nasawing Pilipino sa kabila ng matinding pagbaha sa Dubai, UAE.

“No dead or injured Filipinos. Hoping this remains so,” ayon sa advisory na inilabas ng Department of Migrant Workers.

Siniguro naman ng DMW na naghahanda na ang kanilang mgat tauhan sa Dubai ng food packs para maitulong sa mga OFW na apektado ng pagbaha.

Ayon sa datos, abot sa lampas 421,000 ang mga Pinoy sa Dubai noong 2023.

Naranasan ng Dubai ang matinding pag-ulan makalipas ang 75 taon, dahilan para lumubog sa baha ang ilang parte ng lugar.

Pati ang kilalang Dubai International Airport ay naapektuhan din matapos mapilitang magkansela ng mga flight dahil din sa baha.