Mga Pilipino malaki tiwala kay Romualdez – survey

Karamihan sa mga Pilipino ay tiwala pa rin sa kakayahan ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang Speaker ng Kamara.

Karamihan sa mga Pilipino ay tiwala pa rin sa kakayahan ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang Speaker ng Kamara.

Sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) nitong Marso, nagtala si Romualdez ng trust rating na 75%.

Pinakamataas ang nakuhang trust rating ng House Speaker sa Visayas, kung saan nakakuha siya ng 80.1%.

Samantala, sa kabuuan ay 78% ang nakuhang trust rating ng Kamara sa naturang survey.

Bukod sa mataas na trust rating, kagila-gilalas din ang job approval rating na nakuha ni Romualdez sa naturang survey, na pumalo sa 72%.

Ang job approval rating naman ng Kamara sa survey ay 75%.

Umaasa naman si RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez na ang mataas na trust at approval rating ay lalo pang magtutulak kay Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas na pagbutihin ang kanilang mga trabaho.