Mga pahayag ng China sa WPS isyu dapat dedmahin – PCG

Dapat umanong maging bingi ang sambayanang Pilipino pagdating sa mga paandar ng China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela.

Dapat umanong maging bingi ang sambayanang Pilipino pagdating sa mga paandar ng China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela.

“Every time…nagpapalabas ng ganyang kasinungalingan ‘yung embassy,” wika ni Tarriela.

Ang pinatutungkulan ni Tarriela ay ang ulat ng Chinese Embassy kamakailan na nakipag-kasundo sila sa militar para magkaroon ng ‘new model’ na pagpapahupa ng tensyon sa WPS.

Ayon pa sa PCG official, ang mga pahayag na ito ng China ay naglalayong mapalabas na tama lang ang ginagawa nilang pangha-harrass sa mga Pinoy sa WPS.

“Ginugulo lang lagi ng embassy ‘yung public discourse. They also [want] to influence the public opinion to justify ‘yung aggressive action na ginawa nila sa Bajo de Masinloc. Nililito nila tayo,sine-sway nila tayo, dini-divide ang mga Pilipino para i-justify na napagkasunduan naman ito. Tayo ang nag violate,” aniya.

“Dapat itong Chinese embassy, we should not pay attention to all their statement kasi nagkakaroon ng division among the Filipino people every time na dinig-dignify ang mga statement na to’,” dagdag pa ni Tarriela.

Nitong mga nagdaang araw ay inilabas din ng Chinese Embassy ang nilalaman ng ‘di umano’y kasunduan nila kay ex-president Rodrigo Duterte.

Nakapaloob umano sa kasunduan na mga mangingisdang Pinoy lamang ang maaaring maglayag sa WPS ay hindi maaaring makapasok dito ang mga barko ng coast guard o militar.