Mga ospital isasailalim sa ‘code white alert’ sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

Idineklara ng Department of Health (DOH) na isasailalim ang mga ospital sa bansa sa “code white alert” para sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Idineklara ng Department of Health (DOH) na isasailalim ang mga ospital sa bansa sa “code white alert” para sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Ang code white alert ay ipinapatupad tuwing mayroong kaganapan gaya ng holiday na maaaring magdulot ng mas casualty.

Sinabi ng DOH nitong Sabado na magiging aktibo ang antas ng alerto mula Marso 24 hanggang 31.

Sa ilalim ng naturalng antas, naka-standby naman ang lahat ng medical personnel para sa agarang pagtanggap at paggamot ng mga pasyente sa mga ospital.

“The DOH family joins all Filipino families in the solemn and healthy observance of Holy Week 2024. Following instructions of President (Ferdinand R.) Marcos (Jr.), hospitals are now on Code White Alert, always ready to care for patients in the event of any medical crisis. Let us pray and hope for continued safety and health for the country,” pahayag ni Health Secretary Teodoro Herbosa