Mga opisyal ng hotel, nahaharap sa mga kaso matapos hindi bigyan ng senior citizen discount ang isang kliyente

Inirekomenda ng mga prosecutors ng Pasig ang pagsasampa ng kaso batay sa reklamo ni Melinda Rada sa pagtanggi ng hotel na bigyan siya ng 20% senior citizen discount para sa kaniyang pag-check-in sa naturang hotel noong Nobyembre 25 hanggang 27, 2022.

Nahaharap ang ilang opisyal ng isang hotel sa Pasig sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9994, o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, at RA 7394, o ang Consumer Act of the Philippines.

Inirekomenda ng mga prosecutors ng Pasig ang pagsasampa ng kaso batay sa reklamo ni Melinda Rada sa pagtanggi ng hotel na bigyan siya ng 20% senior citizen discount para sa kaniyang pag-check-in sa naturang hotel noong Nobyembre 25 hanggang 27, 2022.

Ayon sa resolusyon, tanging ang 12% value-added tax (VAT) exemption lamang ang ibinigay kay Rada dahil naka “promo” na ang kwartong pinili nito.

Bwelta naman ng mga prosecutor, senior citizen na si Rada at may karapatan sa naturang discount.

“Respondents’ defense of good faith and honest belief without fraudulent or malicious intent in denying complainant the 20% discount to which she is entitled should not be considered considering that the offense charged is a violation of a special law, RA No. 9994, which is characterized as mala prohibita, wherein intent to commit it or good faith is immaterial,” paliwanag sa resolusyon.

Dagdag pa nila, hindi rin nakapagpakita ng permit o aplikasyon man lang ng naturang promo mula sa Department of Trade and Industry.