Mga opisinang magsusulong ng mga karapatang pantao, pinasinayaan ng DOJ para sa Human Rights Consciousness Week

Tiniyak ni Justice Secretary Crispin Remulla na patuloy na isusulong at pangangalagaan ng ahensya ang human rights ng bawat Pilipino.

Pinasinayaan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawa nitong bagong tanggapan—ang Human Rights Office (HRO) at ang Gender and Development Special Protection Office (GSPO)—na naglalayong gawing human rights-centric ang justice system sa bansa.

Ang espesyal na inagurasyon ay kasabay sa unang araw ng National Human Rights Consciousness Week sa bansa.

“This is monumental as it is novel, for, in the DOJ’s 126 years of existence, there are now a dedicated offices meant to carry out this vision of a more humane and human rights-centric justice system that shall deliver ‘real justice in real time’,” saad ni DOJ Secretary Crispin Remulla sa kaniyang talumpati.

Ang dalawang opisina ay itinayo sa bisa ng Department Circular No. 032 na nagtatag ng HRO at ng Department Circular No. 402 na nagtatag naman GSPO.

“With the DOJ’s launch of its very own HRO and GSPO, I can confidently say that this mandate will be fulfilled by the DOJ not only for a week, but the whole year round. It serves a clear call for human rights promotion and protection for the years to come,” dagdag ni Remulla.

Tiniyak rin niya na patuloy na isusulong at pangangalagaan ng ahensiya ang human rights ng bawat Pilipino.