Mga OFW sa Israel uuwi na ng ‘Pinas

Nakatakdang lumipad pauwi ng Pilipinas ang kabuaang 61 na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel.

Nakatakdang lumipad pauwi ng Pilipinas ang kabuaang 61 na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel.

Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ito na umano ang pinakamalaking grupo na napauwi.

Ito ay simula nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng Israel at militant Palestinian group Hamas noong nakaraang taon.

Isa umano si Cacdac sa sasalubong sa mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Samantala, sa kabuuan ay nasa 463 na OFW sa Israel na ang boluntaryong umuwi, pahayag ng DOLE-DMW.