Mga Noypi aprub trabaho nina PBBM, VP Sara

Karamihan sa mga Pilipino ay masaya sa pagganap nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa kani-kanilang mga tungkulin.

Karamihan sa mga Pilipino ay masaya sa pagganap nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa kani-kanilang mga tungkulin.

Batay sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na isinagawa noong Marso, nakakuha si Marcos ng approval rating na 76%, habang 74% naman ang nakuha ni VP Sara.

Sa Balance of Luzon pinakamataas ang nakuhang iskor ni Marcos, (81.6%), habang sa Mindanao naman pinakasolid ang approval rating ni VP Sara kung saan nakakuha siya ng 82.1%.

Bukod sa approval ratings, sinukat din ng naturang survey ang trust rating ng publiko sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Si Marcos ay nagtala ng trust rating na 79%, habang 77% naman ang tiwala pa rin kay VP Sara.

Ayon sa Executive Director ng RPMD na si Dr. Paul Martinez, ang mataas na approval at trust rating nina Marcos at VP Sara ay patunay lamang na masaya ang mga Pilipino sa kanilang mga ginagawa bilang presidente at bise presidente.

Ang survey ay kumuha ng 10,000 respondent edad 18 pataas.