Mga nanay, trans sa Miss Universe, ekis kay Chavit Singson

Kontra si former Ilocos Sur Vice Governor Chavit Singson sa pagpayag na pasalihin ang mga nanay at transwomen sa Miss Universe.

Kontra si former Ilocos Sur Vice Governor Chavit Singson sa pagpayag na pasalihin ang mga nanay at transwomen sa Miss Universe.

Ayon kay Singson, ‘masisira’ umano ang Miss U sa pagsali doon ng mga nanay at transgender.

“Kaya nga ‘Miss’ ang nakalagay sa Miss Universe beauty contest, tapos hahaluan ng iba,” saad ni Singson.

“Hindi na Miss Universe iyon (pag nagpasali ng nanay at trans). Miss Universe, e, masisira na ‘yun. Hindi dapat,” aniya pa.

Matatandaan na noong 2023 ay dalawang transwoman ang nakasali sa Miss Universe.

Habang si Miss Colombia Camila Avella na may isang anak ay nakapasok sa Top 5.