Mga nagtitinda ng kandila at bottled water, tumalima sa SRP na ipinatupad ng DTI

Sumunod ang mga tindera sa takdang presyo dahil sa pagmamatyag ng DTI sa merkado.

LEGAZPI CITY- Maganda ang naging resulta ng ginwang assessment ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay sa ginawang price monitoring ng mga kandila at bottled water na pinakamabenta sa panahon ng Undas.

Ayon kay Ma. Lourdes Pasobillo OIC- Division Chief ng Consumer Protection Division ng DTI Albay, sumunod umano ang mga nagtitinda sa inilatag nilang Suggested Retail Price (SRP).

Katunayan may mga nagtitinda ng kandila na mas mababa pa sa SRP ang kanilang presyo dahil homemade ang kandilang ibinibenta nila mga pampubliko at pribadong sementeryo.

Dahil dito pinasalamatan ng DTI Albay ang mga negosyanteng hindi sinamantala ang panahaon ng Undas.

Kaya naman ngayong paparating na ang Yuletide Season, nagpaalala ulit ang ahensya na sundin ng mga negosyante ang SRP na ipinapatupad nila at maging ang publiko ay dapat maging maingat sa mga pagbili lalo na sa mga substandard na mga Christmas Lights.