Mga manggagawa libre sakay sa LRT-2, MRT sa Labor Day

Tipid sa pamasahe ang mga empleyado sa Labor Day dahil sa handog na free ride sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Tipid sa pamasahe ang mga empleyado sa Labor Day dahil sa handog na free ride sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Magkakaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng sakay sa mga naturang train system.

Ito ay para sa mga manggagawa bilang pag-alala sa Labor Day.

Ang libreng sakay ay gaganapin alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Kailangan lang ipakita ang company ID para malibre sa pamasahe.