Mga mambabatas hinangaan dedikasyon, integridad ni Barzaga

Nagbigay pagpupugay ang House of Representative sa pagpanaw ni Dasmariñas City lawmaker Elpidio Barzaga Jr.

Nagbigay pagpupugay ang House of Representative sa pagpanaw ni Dasmariñas City lawmaker Elpidio Barzaga Jr.

Sa pamamagitan ng Resolution 1691, na pinangunahan at isinulat ni House Speaker Martin Romualdez, sinabi dito na naging inspirasyon para sa iba pang opisyal ang matapat na paninilbihan ni Barzaga.

“Honorable Barzaga’s relentless pursuit of justice and his compassion for those in need earned him the respect and admiration of both his colleagues in the House of Representatives and his constituents in Dasmariñas City, and he will always be remembered for inspiring those in the government service with his integrity, kindness, and dedication to serve the people,” nakasaad dito.

Samantala, maaga namang tinapos ang sesyon sa Kamara bilang pagpapahayag ng respeto sa yumao na mambabatas.

Si Barzaga, 74 taong gulang, ay pumanaw noong Abril 27 sa Estados Unidos dahil sa mga komplikasyon mula sa isang operasyon sa puso.