Mga kongresista nanindigan na hindi si Romualdez ang pasimuno sa People’s Initiative

Nanindigan ang Kamara de Representantes na wala silang kinalaman sa paggulong ng People’s Initiative (PI) na magbibigay daan sana para amyendahan ang 1987 Constitution.

Nanindigan ang mga miyembro ng Kamara de Representantes na wala silang kinalaman sa paggulong ng People’s Initiative (PI) na magbibigay daan sana para amyendahan ang 1987 Constitution.

Ito’y bilang tugon na rin sa paratang ng Senado na sila ang pasimuno sa pangangalap ng pirma sa utos na rin umano ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa pagdinig ng komite ni Senator Imee Marcos, sinabi ni People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma) convenor, Noel Oñate na nag-pulong sila sa townhouse ni Romuadez.

Hindi naman itinanggi ni HS Romualdez ang pagpupulong pero nilinaw nito na nagsilbi lamang siyang adviser ng grupo.
Nilinaw din nito na wala siyang kinalaman sa umanoy vote buying at nanawagan sa publiko sa ganitong uri ng hakbangin.