Mga kongresista buo tiwala kay Romualdez

Ilang mga kongresista ang nagpahayag ng solidong suporta kay House Speaker Martin Romualdez matapos lumabas ang isang survey kung saan bumaba ang approval rating ng lider ng Kamara.

Ilang mga kongresista ang nagpahayag ng solidong suporta kay House Speaker Martin Romualdez matapos lumabas ang isang survey kung saan bumaba ang approval rating ng lider ng Kamara.

Ngayong Linggo ay naglabas ng joint statement sina Pampanga 3rd district Rep. Aurelio Gonzales Jr., Quezon 2nd district Rep. David Suarez, and Majority Leader Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose Dalipe kung saan pinuri nila ang mga nagawa ni Romualdez bilang House Speaker.

“Under Speaker Romualdez’s guidance, the House has exemplified dedication and competence in fulfilling its legislative duties. His leadership has been instrumental in steering the chamber towards achieving legislative excellence,” saad ni Suarez sa pahayag.

“Speaker Romualdez’s commitment to serving the Filipino people has been unwavering,” wika naman ni Gonzales.

“We commend the Speaker’s tireless efforts in leading us towards a brighter future for all Filipinos,” ani Dalipe.

Sa survey na inilabas ng Publicus Asia noong Abril 2, mula 36% ay bumaba sa 25% ang approval rating ni Romualdez.

Ilan sa mga naisabatas ng Kamara sa ilalim ng liderato ni Romualdez ang Tatak Pinoy Act, Centenarians Act, New Philippine Passport Act, the ‘No Permit, No Exam Prohibition Act,’ at ang Philippine Salt Industry Development Act.

Bukod pa rito, agad na naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang kanilang bersyon ng economic Charter change.