Mga itlog lumiliit dahil sa sobrang init

Maging ang industriya ng itlog sa Pilipinas ay apektado rin ng matinding init bunsod ng El Niño Phenomenon.

Maging ang industriya ng itlog sa Pilipinas ay apektado rin ng matinding init bunsod ng El Niño Phenomenon.

Ayon kay Francis Uyehura, presidente ng Philippine Egg Board Association, nawawalan ng gana sa pagkain ang mga manok dahil sa tag-init. Nagreresulta umano ito sa mas kakaunti at maliliit na itlog.

“Generally, lahat ng farm producer ay nakakaranas na ng problema sa sobrang init. Number one na epekto ng sobrang init ay ‘yung paghina ng pagkain ng manok na resulta ng pagbaba ng egg production at pagliit ng sizes. Nagkakaroon ng imbalance, mas marami yung maliliit,” saad ni Uyehura sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo ngayong Huwebes.

“The intense heat will not have an effect on the nutritional value of the egg, the problem is the eggs are getting smaller. If before, farmers are getting large or XL eggs, now there are more small or even extra small eggs,” paliwanag pa niya.

Bukod pa rito, ang mas maliliit na itlog ay maibebenta lamang sa mas murang halaga.

Dagdag pa ni Uyehura, ang maliliit na itlog ay pwedeng maibenta bilang medium-sized dahil ang basehan umano ng presyo ay ang timbang.

Sa ngayon, ang mga medium-sized na itloy ay pumapalo sa P4.50 hanggang P5.40 ang kada piraso depende sa lugar.