Mga isda sa Oriental Mindoro posibleng maubos dahil sa oil spill

Patuloy ang pamahalaan ng Oriental Mindoro sa pagbabantay sa mga isda matapos itong maapektuhan dahil sa paulit-ulit na oil spill sa karagatan ng naturang lugar.

Patuloy ang pamahalaan ng Oriental Mindoro sa pagbabantay sa mga isda matapos itong maapektuhan dahil sa paulit-ulit na oil spill sa karagatan ng naturang lugar.

Bukod kasi sa nakasasama ito sa mga isda ay mayroon din umano itong masangsang na amoy na siyang nagiging problema ng mga residente na nakatira malapit sa dagat.

Ayon kay Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz, umiinda na ang mga mamamayan sa kanilang lugar dahil patuloy na tumataas ang presyo ng isda.

Maging ang mga mangingisda umano ay naaapektuhan ang kabuhay sapagkat walang mahuli.

“Hindi na natin alam kung bakit pabalik-balik na ‘yung oil spill na yan. Talagang nagkaka-trauma na ang ating mga fisherfolk dahil wala na naman na silang nahuling mga isda. Kahit na sabihin natin okay na. Pero kahit sabihin natin, nato-trauma na ‘yung mga tao,” pahayag nito sa isang panayam.

Dahil dito, patuloy silang nakikipagtulungan sa mga bantay dagat upang matukoy ang pinagmulan ng pagtagas ng langis.