Mga estudyante sa Albay tumanggap tulong pinansyal sa DSWD

Nasa mahigit 1,500 na mag-aaral mula sa probinsya ng Albay ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa mahigit 1,500 na mag-aaral mula sa probinsya ng Albay ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa ahensya, nasa P3,000 na halaga ang nakuha ng mga estudyante sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Isa sa mga nanguna sa naturang programa ay ang kapatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senadora na si Imee Marcos.

Sinabi ni DSWD-Bicol AICS information officer Jastine Joy Escuro na makatutulong ito para sa gastusin ng mga bata sa kanilang proyekto o di kaya’y pangbaon.

“The beneficiaries were senior high school and college students from Daraga and Camalig towns. They are from vulnerable sectors of the community and the assistance is to augment their educational needs or expenses especially now that inflation is very noticeable,” ani Escuro.

Samantala, ibinahagi naman ni Camalig PIO sa kanilang Facebook page ang larawan sa naganap na distribution kasama ang Senadora.

TINGNAN: