Mga eksperto kinalampag DOH na paspasan libreng bakuna sa seniors

Nanawagan ang ilang eksperto sa Department of Health (DOH) na bilisan ang pamimigay ng libreng bakuna sa mga senior citizen bilang paghahanda sa pagkalat ng mga respiratory disease sa mga susunod na buwan.

Nanawagan ang ilang eksperto sa Department of Health (DOH) na bilisan ang pamimigay ng libreng bakuna sa mga senior citizen bilang paghahanda sa pagkalat ng mga respiratory disease sa mga susunod na buwan.

“The recent outbreak of respiratory diseases is a testament to the importance of early preparation in mitigating the impact of vaccine-preventable diseases,” pahayag ni Dr. Rogene Solante, lead convener ng grupong Raising Awareness Influenza to Support Elderlies (Raise) Coalition.

“The DOH must act now and expedite the release of flu vaccines to the public before the peak incidence to safeguard the elderly from severe complications like pneumonia,” dagdag pa niya.

Sa pagtataya ng grupo, sisipa ang kaso ng flu sa pagitan ng Hunyo at Nobyembre.

Noong 2023, umabot sa 198,094 ang bilang ng kaso ng influenza-like illness, mas mataas kumpara sa 131,199 noong 2022.

Samantala, itinulak naman ni Dr. Lulu Bravo, isa pang convener sa Raise Coalition, na sakupin ng libreng bakuna ang lahat ng senior citizen, kahit ano pa ang estado nila sa lipunan.

“Many elderly depend solely on government-provided free vaccines as their primary protection against the flu,” aniya.

Sa Pilipinas, ang mga senior citizen na non-indigent ay nagbabayad ng mula P1,000 hanggang P2,000 para sa flu vaccine kada taon, at mula P3,000 hanggang P4,000 para sa pneumococcal conjugat vaccine, na itinuturok kada limang taon.