Mga e-bike bawal na sa ilang major road sa Metro Manila

Simula Lunes, April 15, ay hindi na pinapayagan ang pagbiyahe ng mga electric bikes (e-bike) at e-trike sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Simula Lunes, April 15, ay hindi na pinapayagan ang pagbiyahe ng mga electric bikes (e-bike) at e-trike sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Ito’y batay sa desisyon ng Metropilitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal na ang mga naturang light vehicles sa mga major roads sa NCR.

Bukod sa e-bikes, kasama rin sa pinagbawalan ng MMDA na bumiyahe sa ilang kalsada ay ang pedicap, kariton, tricycle at kuliglig.

Kasama sa mga kalsada kung saan hindi pinapayagan ang mga e-bikes ay ang mga sumusunod:

  • Recto Avenue (Ave.)
  • President Quirino Avenue
  • Araneta Avenue
  • Epifanio Delos Santos Avenue
  • Katipunan/C.P. Garcia
  • Southeast Metro Manila Expressway
  • Roxas Boulevard
  • Taft Avenue
  • Osmeña Highway/South Super Highway
  • Shaw Boulevard
  • Ortigas Avenue
  • Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
  • Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
  • A. Bonifacio Avenue
  • Rizal Avenue
  • Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
  • Elliptical Road
  • Mindanao Avenue
  • Marcos Highway
  • Boni Avenue
  • España Avenue

Gayunpaman, may ilang mga driver ng mga naturang light vehicle ang nakiusap sa MMDA.

Sa ‘Unang Balita ay isang kuliglig driver ang nagsabing sana’y payagan silang dumaan sa major roads kahit gabi lang.

“Sa amin po sa gabi baka puwede naman po kaming tumawid lang. Dadaan lang po kami,” ayon sa tsuper.

Para sa mga nahuling lalabag ay papatawan ng P2,500 multa at kapag walang lisensya at registration ang vehicle ay diretso ito sa impounding area.