Mga drayber sa mga nag-viral na insidente sa lansangan, pinatatawag na ng LTO

Pinatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang dalawang driver na nag-viral dahil sa magkahiwalay na insidente—isang kaso ng road rage at isang pang-aararo ng mga sasakyan.

Pinatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang dalawang driver na nag-viral dahil sa magkahiwalay na insidente—isang kaso ng road rage at isang pang-aararo ng mga sasakyan.

Naganap sa Quezon City ang parehong insidente.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na nagbaba na ang ahensiya ng show cause order (SCO) sa may-ari ng Toyota Vios na nangharang ng isa pang sasakyan upang kumprontahin ang drayber nito.

Ayon kay Mendoza, kailangang magpaliwanag ang naturang drayber kung bakit hindi sa dapat parusahan sa mga kasong obstruction of traffic obstruction of traffic as a result of the heated altercation at improper person to operate a motor vehicle, na maaaring maging dahil sa pagkansela ng lisensiya nito.

Nagbaba na rin ng SCO ang LTO sa drayber ng Isuzu boom truck na umararo sa dalawang sasakyan sa Barangay West Triangle sa Quezon City noong Enero 3.

Huli sa video kung paano binangga ng trak ang dalawang sasakyang nakahinto sa isang intersection, at huminto lamang ng sumalpok sa kongrektong kahon ng halaman.

Kailangan ring magpaliwanag ng drayber kung bakit hindi siya dapat parusahan sa kasong reckless driving at paglabag sa Republic Act 4136.