Mga DDS troll damay din! Trillanes dinemanda ng libel sina Roque, Banat By

Sinampolan ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang mga pro-Duterte na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kanya.

Sinampolan ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang mga pro-Duterte na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kanya.

Nitong Martes ay nagtungo si Trillanes sa Quezon City Prosecutor’s Office at opisina ng National Bureau of Investigation para magsampa ng kaso kina Atty. Harry Roque, vlogger Banat By, mga hosts ng SMNI, at mga pro-Duterte trolls.

Kasong libel ay cyber libel ang isinampa ni Trillanes sa mga ito.

Kasama sa mga kinasuhan ay ang mga pro-Duterte na social media accounts tulad nina Mr. Realtalker (@chinitorealtalker), Melagin Nastor Evangelista (@gurlbehindthisb), Joelas (@j_laspinas), Michael Gorre (@KampilanBoy), Hampaslupang Mandaragat (@JohnAmasa2) at @SaraAll2028.

Ang kaso kina Roque at Banat By ay nag-ugat sa bintang nila na binenta umano ni Trillanes ang Scarborough Shoal sa China.

“Dito makikita na kung ano ‘yung binibintang nila sa akin… ‘yun pala sila ang gumagawa. Sila pala ‘yung nagkompromiso nung interes ng ating bansa sa West Philippine Sea,” giit ni Trillanes.