Mga DDS, credit grabber sa Kabalikat sa Pagtuturo Act!

Matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Republic Act 11997 o ang "Kabalikat sa Pagtuturo Act", nagkalat naman ang maraming misleading na post sa social media tungkol sa pagbibigay ng maling credit sa naturang batas.

Matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act 11997 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act”, nagkalat naman ang maraming misleading na post sa social media tungkol sa pagbibigay ng maling credit sa naturang batas.

Isang Facebook post na nagpapakilala kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte bilang nagsulong ng “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na nagdaragdag sa annual teaching supplies allowance ng mga guro, ay pinasinungalingan ng maraming netizen.

“GOOD NEWS para sa lahat ng guro from 5K teaching allowance to 10K.👏🏼 Tuloy-tuloy lang ang pagsasaayos sa DepEd sa pamumuno ng ating napakagaling at napakasipag na Secretary at Vice President Sara Z. Duterte.💚” sey sa caption ng Facebook post.

Maraming mga netizen ang nagtama ng impormasyong ito sa pamamagitan ng paglalahad na ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, ang tunay na mga nagsulong ng batas na kinabibilangan nila France Castro, Arlene Brosas, Raoul Manuel, at Emigdio Tanjuatco, habang si Antonio Tinio ang naunang nagmungkahi nito noong 2011 pa.

Ang naturang batas ay sinuportahan din ni House Speaker Martin Romualdez kaya naman agad ito pumasa sa mababang kapulungan.

Matatandaan din na wala si Duterte sa signing ceremony ng bata na ginanap sa Malacañang noong Lunes, Hunyo 5.

Gayunpaman, malaking kontrobersiya ang nagaganap sa social media tungkol sa pagbibigay ng credit sa batas na ito, kung saan ang ilang Duterte Diehard Supporters (DDS) ay nagpalaganap na si VP Duterte ang may-akda nito, kahit na malinaw na ang mga tunay na nagsulong nito ay ang mga kinatawan ng ACT Philippines.

TINGNAN: