Mga dagat, pantalan babantayan din sa drug war

Paiigtingin ng Bantay Dagat sa Iloilo ang kampanya laban sa iligal na droga sa pamgagitan ng pagbabantay sa karagatan at mga pantalan.

Paiigtingin ng Bantay Dagat sa Iloilo ang kampanya laban sa iligal na droga sa pamgagitan ng pagbabantay sa karagatan at mga pantalan.

Maaari kasi umanong gamitin ang mga pantalan para sa entry at exit points ng mga iligal na droga.

“It entered our mind to engage Bantay Dagat because Bantay Dagat does not only mean illegal fishing. Even before our direction for Bantay Dagat together with the northern Iloilo alliance is not only illegal fishing but the management of the Visayan Sea- the environment and the illegal activities there,” pahayag ni Governor Arthur Defensor Jr.

Dahil dito, sinabi ni Defensor na makikipagtulungan ang mga Bantay Dagat sa barangay na siyang magiging katuwang nila sa naturang kampanya.

“We will involve them in keeping watch of our coastlines as a possible entry of drugs in the province. We have talked to our provincial, and regional directors that we will involve the Bantay Dagat in monitoring the situation,” saad pa nito.