Mga byahe ni Marcos nagdulot ng sandamakmak na negosyo – solon

Pinuri ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ngayong Miyerkoles si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay ng matagumpany niyang pagbisita sa iba't-ibang bansa.

Pinuri ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ngayong Miyerkoles si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay ng matagumpany niyang pagbisita sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay Reyes, makikita ang resulta ng mga byahe ni Marcos sa halos 90% na pag-angat ng foreign direct investment (FDI) ng bansa ngayong taon.

“As I have said time and again, PBBM is our country’s chief salesman and he is doing a very good job at it. The results speak for itself,” wika ni Reyes. “What we see is only the beginning and we look forward to more investments this year.”

Sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo sa $907 milyon ang net FDI ng Pilipinas sa Enero 2024, mas mataas ng 89.9% sa parehong buwan noong 2023.

Ang numero unong pinagkunan ng FDI ng Pilipinas ay ang Japan, na sinusundan naman ng US.

“This is no coincidence because the President met with Japanese Prime Minister Fumio Kishida and other ASEAN leaders in Tokyo last December,” dagdag pa ni Reyes.

Nitong nagdaang linggo ay idinaos ang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, US at Japan, kung saan bilyong dolyar na investment din ang inaasahang papasok sa bansa sa susunod na mga taon.