Mga bituin nagluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

Nagluluksa ngayon ang industriya ng showbiz sa Pilipinas kaugnay ng pagpanaw ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Nagluluksa ngayon ang industriya ng showbiz sa Pilipinas kaugnay ng pagpanaw ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Ayon sa ulat, natagpuan na lamang si Jaclyn na wala ng buhay sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City nitong Linggo. Siya ay 59 anyos.

Bumuhos sa social media ang mga post ng mga kapwa artista ni Jaclyn.

“Mahal na mahal kita Abe,” saad sa post ni Gardo Verzosa. “Masakit na paalam. Magkwekwentuhan pa tayo ‘di ba.”

“Ms. Jane, bago natin ginawa ang interbyung ito, ‘di ko makakalimutan ang mga kwento mo ng hinanakit sa buhay, pero hangga’t maaari ay tinatapatan mo na lang yon ng pang-unawa at pagtanggap na nangyayari talaga ang iyong mga tanong,” pahayag naman ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook post, kung saan ibinahagi niya ang kanyang dating panayam kay Jaclyn.

“At doon lumulutang ang iyong pagiging mapagmahal na ina. At humanga ako sa ‘yo. Maraming salamat sa iyong napakaraming ambag sa industriya. Nag-iisa ka,” dagdag pa niya.

“Salamat sa mga tips, pag-alaga mo sa ‘kin na parang ate kita talaga. Nabawasan naman ng isang magaling at de-kalibreng aktor ang industriya. Mami-miss ka namin ang nag-iisang Jaclyn Jose,” wika naman ni Gladys Reyes sa kanyang IG post.

Samantala, tatlong heartbreak emojis naman ang ginawang caption ni Rayver Cruz sa kanyang larawan kasama si Jaclyn.

Crying at heartbreak emoji naman ang nakalagay sa post ni Barbie Forteza sa X (dating Twitter).

Trending topic din sa X si Jaclyn, patunay na siya ay tumatak sa masang Pilipino.