Mga biktima ng sunog sa Masbate inayudahan ng DSWD

Nagpaabot ng tulong-pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang pamilyang nasunugan sa Barangay Bapor, Masbate City.

Nagpaabot ng tulong-pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang pamilyang nasunugan sa Barangay Bapor, Masbate City.

Ayon kay Jastin Joy Escuro ng DSWD-Bicol, 15 pamilya ang tumanggap ng tig-P10,000 habang dalawang pamilya naman ang nakakuha ng tig-P5,000.

Bukod sa pera, nakatanggap din umano ng relief goods ang mga nasunugan.

“The beneficiaries were from Barangay Bapor, Masbate City whose houses were burned down last May 2. Immediately after the incident, we distributed food and non-food items to the victims worth PHP128,772.90,” saad ni Escuro.

Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ang sanhi ng apoy na tumupok sa bahay ng mga biktima.