Mga bangkay nagkalat, mga nitso ninakawan sa CDO

Nagkalat ang ilang labi ng mga yumao sa City Memorial Park sa Cagayan De Oro City nang pagsisirain at pagnakawan ang ilang nitso.

Nagkalat ang ilang labi ng mga yumao sa City Memorial Park sa Cagayan De Oro City nang pagsisirain at pagnakawan ang ilang nitso.

Base sa ilang report, sumingaw ang masangsang na amoy ng mga bangkay sa lumang bahagi ng sementeryo.

Isang problema umano kasi sa lugar ay ang nakawan ng bakal sa mga nitso, sinabi ng City Local Environment and Natural Resources Office (CLENRO).

Dahil dito, maglalagay na ang CLENRO ng mga guwardiya na magbabantay sa umaga at sa gabi.

Nakipag-ugnayan naman ang CLENRO sa pamilya ng mga bangkay upang mabigyan muli ng maayos na libingan ang mga ito.