Mga balasubas talaga! PCG, kinumpirma ang pagkasira ng seabed sa Rozul Reef, Escoda Shoal dahil sa Chinese vessels

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang matinding pinsala sa lugar sakop ng Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea sa kamay ng Chinese maritime militia.

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Lunes, Setyembre 18, ang matinding pinsala sa lugar sakop ng Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Nagsagawa ng pagpapatrolya sa Rozul Reef at Escoda Shoal ang BRP Sindangan at BRP CABRA mula Agosto 9 hanggang Setyembre 11 kung saan namataan nila ang 48 na Chinese maritime militia na nagpunta sa lugar, ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Commodore Jay Tarriela.

“The surveys conducted in Escoda Shoal revealed visible discoloration of its seabed, strongly indicating that deliberate activities may have been undertaken to modify the natural topography of its underwater terrain,” sinabi ni Tarriela sa isang pahayag.

Suspetsa ng opisyal, kinuha ang mga coral mula sa seabed, at itinapon ang mga hindi nila napakinabangan.

“The presence of crushed corals strongly suggests a potential act of dumping, possibly involving the same dead corals that were previously processed and cleaned before being returned to the seabed,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Nangangamba ang PCG sa patuloy na pangingisda ng mga barko ng Chinese militia dahil ang walang habas nilang pagsira sa West Philippine Sea ay maaari magkaroon ng pangmatagalang epekto sa lugar.

“The activities may have directly caused the degradation and destruction of the marine environment in the WPS features,” ani Tarriela. “The PCG emphasizes the importance of protecting and preserving our marine environment, which plays a crucial role in sustaining marine life and supporting local communities.”