Mga bagong pisa na pagong pinakawalan sa Catanduanes

Pinakawalan sa dalampasigan ng Barangay Talisoy, Virac, Catanduanes ang 86 na bagong pisa na green see turtle.

Pinakawalan sa dalampasigan ng Barangay Talisoy, Virac, Catanduanes ang 86 na bagong pisa na green see turtle.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na ligtas na makararating sa karagatan ang mga bagong pisa na pagong.

Sinimulan umanong protektahan ng mga awtoridad sa lugar ang mga green see turtle noong 2017.

Sa ngayon ay binabantayan pa ng Municipal Agriculture’s Office ang 12 pugad ng mga nasabing pagong na nasa dalampasigan ng Talisoy.

“Sa mga local tourist po na pumupunta dito sa Talisoy para maligo, sana wag nilang bulabugin yung mga sites na pinangingitlugan ng mga green sea turtle,” pahayag ni Municipal Agriculture Officer Gemma Tadoy.