Mga bagong armas, ibibida ng AFP sa Balikatan

Ipapamalas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bago nitong armas sa paparating na Balikatan exercises.

Ipapamalas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bago nitong armas sa paparating na Balikatan exercises.

Ayon kay Balikatan 2024 executive agent Col. Michael Logico mga bagong sasakyang pandagat at panghimpapawid ng AFP ang gagamitin nila sa pagsasanay.

“Everything that we have is going to be put in full display in Balikatan, ok so we have FF-151 (missile frigate BRP Antonio Luna), LD-602 (BRP Davao Del Sur), PS-16 (offshore patrol vessel BRP Ramon Alcaraz), (our) FA-50s (light jet fighters), Super Tucanos (A-29B close air support aircraft), our Black Hawks (S-70is combat utility helicopters),” ani Logico.

Ibibida rin ng AFP ang SPYDER air defense missile batteries na gawang Israel.

Samantala, isasabak naman ng US ang kanilang mga fifth generation F-22 ‘Raptor’ stealth fighter, F-35 ‘Lightning II’ stealth fighter, AH 64 ‘Apache’ attack helicopter, ang AC-130 ‘Spooky’ gunship, at dalawang naval ship.

Dagdag pa ni Logico 16,000 sundalo mula Pilipinas at US ang magsasanib-pwersa sa Balikatan 2024, na lalarga mula Abril 22 hanggang Mayo 10.