Mga aspin sa death row, pinaaampon sa Digos City

Nagsumamo sa social media ang organisasyong Happy Animals Club upang manawagan sa mga gustong umampon sa mga aspin na nasa Digos City dog pound.

Nagsumamo sa social media ang organisasyong Happy Animals Club upang manawagan sa mga gustong umampon sa mga aspin na nasa Digos City dog pound.

Sa viral Facebook post ng Happy Animals Club, ibinunyag nitong nakatakdang patayin sa dog pound ang mga aso.

Kaya naman, nanawagan ang grupo sa sinumang nais mag-ampon ng aspin. Nag-alok na rin sila ng libreng pag-deliver sa loob ng Davao region. Gayundin, kahit saang parte ng Pilipinas ay ipapadala nila ang mga aso basta’t sasagutin ng mag-aampon ang gastusin.

“All of these dogs are for FAST-TRACK adoption meaning there is no screening. Just message us and you can go to the Digos City dog pound and pick up the dog,” saad sa post ng Happy Animals Club.

Nangako rin ang grupo na sasagutin na nila ang adoption fee at ang bakuna ng mga aso.