Mga aso pinapasok sa Senado sa unang pagkakataon; Revised Animal Welfare bill, sinusulong!

Sa unang pagkakataon ay pinapasok ang mga aso sa Session Hall ng Senado kasabay ng committee hearing para sa Revised Animal Welfare bill ngayong Martes.

Sa unang pagkakataon ay pinapasok ang mga aso sa Session Hall ng Senado kasabay ng committee hearing para sa Revised Animal Welfare bill ngayong Martes.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Senadora Grace Poe ang larawan ng mga aso na pinapasok sa Session Hall.

“Rescue dogs and family pets were welcomed to the Senate as we took the floor to push for the passage of the Revised Animal Welfare bill with the support of our hardworking animal welfare organizations,” saad ni Poe sa kanyang post.

“We also made history as it was the first time that dogs were allowed inside Session Hall!” aniya.

Ginarantiya rin ng mambabatas na palalakasin niya ang mga batas na lalaban sa karapatan ng mga hayop.

“There is much to be done to strengthen the existing law and improve the situation of all types of animals, not just of dogs and cats. I am assured that animals will always have a friend in the Senate,” dagdag pa niya.

Sa oras na maging batas ang Revised Animal Welfare bill ay bubuuin ang Animal Welfare Bureau na siyang magpapatupad ng mga batas hinggil sa karapatan ng mga hayop.