Mga Albayano hindi na poproblemahin kuryente

Pokus ni Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co na mabigyan ng maayos na power infrastructure ang mga Bicolano sa Albay.

Pokus ni Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co na mabigyan ng maayos na power infrastructure ang mga Bicolano sa Albay.

Kaya naman naglaan ng P500M si Co, chairman ng House committee on appropriations, para masiguro ang upgraded na power supply ang Albay.

Dahil dito, mapapaunlad ang ekonomiya ng probinsya dahil magiging tuloy-tuloy na ang daloy ng kuryente sa lugar.

“By improving our power infrastructure, hindi lang natin binibigyang solusyon ang issue ng brownout sa ating lalawigan. Bukod dito, nilalatag rin natin ang magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating ekonomiya,” wika ni Co.

“This will help attract new businesses, create jobs, jobs and more jobs,” aniya pa.

Dalawang bagong power substation ang itatayo para mapataas ang grid capacity ng Albay Electric Cooperative.

P300M sa pondo ay ilalagak sa National Electrification Administration, habang ang natitirang P200M ay ilalagay para sa pag-rehabilitate ng power lines, pagpapalit ng mga reclosers, at pag-upgrade ng mga transformer.