Meron pa hanggang Pasko: DA, nangakong sapat ang suplay ng karneng baboy at itlog hanggang kapaskuhan

Kahit pa mataas ang demand, inaasahan ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng karneng baboy at itlog sa buong bansa.

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng karneng baboy at itlog hanggang pasko.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang news forum sa Quezon City na nagpapatuloy ang pag-import ng karneng baboy, lalo na sa huling tatlong buwan ng 2023, batay na rin sa iskedyul ng Bureau of Animal Industry.

“Iyong nabanggit ko dati na, iyon nga na inayos ko ngayon… iyong import naman ay tuluy-tuloy iyan dahil parating ngayong fourth quarter—ito iyong naproseso noong mga nakaraang buwan pa ng Bureau of Animal Industry,” paliwanag ni de Mesa.

“Pero dahil stable iyong ating supply pati iyong production natin ng day-old pullets na magiging layers pagdating ng panahon ay maganda iyong population so wala tayong nakikitang problema,” ani de Mesa.

Dagdag pa ni de Mesa, gumagawa ng pamahalaan upang makasigurong hindi makakaapekto ang African swine flu at Avian influenza sa local na produksiyon.