Meralco nagbabala sa brownout sa ilang lugar sa Luzon

Ilang area sa Metro Manila ang makakaranas ng brownout dahil sa red at yellow alert status na dineklara ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ilang area sa Metro Manila ang makakaranas ng brownout dahil sa red at yellow alert status na dineklara ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa advisory ng Meralco nitong Martes, April 16, nagkaroon ng rotating brownout sa ilang lugar ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Quezon Province, Batangas, Cavite at Rizal.

Mula alas-2:01 hanggang alas-3 ng hapon ay inasahan ang power interruption sa mga sumusunod na lugar:

Metro Manila: ilang barangay sa Caloocan City, Manila, Pasay City, Pasig City, Quezon City, at Taguig City;

– Bulacan: Ilang barangay sa Angat, Bustos, Malolos City, Norzagaray, Pandi, San Jose del Monte City, at Santa Maria;

– Laguna: ilang barangay sa Calauan, San Pablo City;

– Quezon Province: ilang barangay sa Candelaria, Mauban, Sampaloc, at Tayabas City

Mula naman alas-3:01 hanggang alas-4 ng hapon ay posibleng naapektuhan ng rotating brownouts ang mga sumusunod na lugar:

– Metro Manila: ilang barangay sa Caloocan City, Makati City, Marikina City, Parañaque City, San Juan City, at Valenzuela City;

– Batangas: ilang barangay sa Batangas City;

– Bulacan: ilang barangay sa Malolos City, Plaridel, San Jose del Monte City, San Rafael, at Santa Maria;

– Cavite – ilang barangay sa Amadeo, Gen. Trias City, Imus City, Kawit, Naic, Noveleta, Silang, Tagaytay City, Tanza, at Trece Martires City;

– Laguna: ilang barangay sa Liliw, Luisiana, Majayjay, Nagcarlan, Pila, at Sta. Cruz;

– Quezon Province: ilang barangay sa Candelaria, Lucban, Lucena City, Sampaloc, Sariaya, at Tayabas City;

– Rizal Province: ilang barangay sa Angono, Antipolo City, Baras, Cainta, Cardona, Morong, San Mateo, Tanay, at Teresa.