Meralco magtataas ng singil ngayong Mayo

Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) ang pagtataas nila ng singil sa kuryente ngayong Mayo.

Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) ang pagtataas nila ng singil sa kuryente ngayong Mayo.

Ayon sa Meralco, P0.4621 kada kilowatt-hour (kWh) ang itataas ng kanilang singil.

Dahil dito, mula P10.9518 per kWh noong Abril ay papalo sa P11.4139 per kWh ang singil ngayong buwan.

Para sa mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, P92 ang itataas ng kanilang electricity bill.

Ang dagdag-singil ay bunga ng pagmamahal ng generation charge at transmission fees.