Meralco magbababa singil sa kuryente ngayong Hunyo

Sinabi ng Meralco na bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Sinabi ng Meralco na bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Dahil umano ito sa hati-hating bayad ng gastos sa generation mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Binawi kasi ng kumpanya ang naunang pahayag na pagtaas ng singil, kasunod ng utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Kamakailan kasi ay inutusan ng komisyon ang mga distribution utilities at electric cooperatives na hatiin ang bayad mula sa WESM noong Mayo sa apat na hulog mula ngayong buwan hanggang Setyembre 2024.

“We ask for the understanding of our customers over the delayed bills as we implement the newly issued order of the ERC. Rest assured that Meralco will implement adjusted due dates to give our customers enough time to pay their bills,” pahayag ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga.

Sa ngayon, sa halip na pagtaas na P0.6436 kada kWh, nasa P1.9623 ang bawas kada kiloWatt-hour (kWh).