Meralco kasangga House energy panel chief sa panibagong prangkisa

Sinusulong ni House Committee on Energy chairman, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang panibagong 25 year franchise para sa Meralco.

Sinusulong ni House Committee on Energy chairman, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang panibagong 25 year franchise para sa Meralco.

Naghain ng panukalang batas si Velasco para makakuha ng maagang extension ang Meralco sa kanilang prangkisa para manatiling power distributor sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

“Meralco has been providing reliable and world-class electric service at fair and reasonable prices to its customers,” saad ni Velasco.

“The renewal of this franchise is urged to ensure the continuous and uninterrupted supply and distribution of quality and reliable electric service to the customers within the franchise area of Meralco,” aniya pa.

Ayon kay Velasco, ang magandang serbisyo ng Meralco ay napapansin din ng ibang Pinoy na nagkakaroon ng problema sa kanilang power utilities provider.

“The fact that there are calls from communities serviced by electric cooperatives to transfer to Meralco further proves that the company offers much-needed reliable electricity service,” lahad ng mambabatas.