Meralco: Bill sa kuryente, bababa ngayong Abril

Inaasahan na bumaba ang electric bill ngayong buwan ng Abril, ayon sa Meralco.

Inaasahan na bumaba ang electric bill ngayong buwan ng Abril, ayon sa Meralco.

Wika ni Meralco vice president Joe Zaldarriaga, dalawang factor ang sanhi ng pagbaba ng bayarin sa kuryente sa kabila ng mainit na panahon.

“We see both lower generation and transmission charges,” lahad ni Zaldarriaga.

Ang mababang electric bill ay mula din sa bumababang presyo ng natural gas mula sa mga supplier.

“We anticipate declines in both generation and transmission charges. Regarding generation, the cost of natural gas suppliers is expected to decrease, partly influenced by lower liquefied natural gas (LNG) prices,” lahad ng Meralco official.

“Transmission charges, on the other hand, may see reductions in costs following the Energy Regulatory Commission’s decision to suspend settlements in the reserve market, which contributed to a significant rise in ancillary service charges in the March electricity rates,” aniya pa.

Matatandaan na nitong Marso ay nagkaroon ng taas-singil na P0.0229 per kilowatt/hour sa kuryente dail sa ‘ancillary charges’.