Mekus mekus na ulan? 3 weather systems binabantayan ng PAGASA

Nasa tatlong weather systems na nasa labas lang ng Philippine Area of Responsibility ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon ng PAGASA, kabilang na si Bagyong Jenny, si Tropical Storm Boliven, at isang low-pressure area sa may bandang Visayas.

Nasa tatlong weather systems na nasa labas lang ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Isa sa mga ito ay si Bagyong Jenny, na nakalabas na ng PAR noong isang araw, at ngayon ay nasa 725 kilometro sa hilaga ng Northern Luzon at hindi gaanong kumikilos. May taglay itong maximum sustained wind na 155 kilometro kada oras.

Ayon rin sa weather bulletin ng PAGASA nitong Linggo ng umaga, Oktubre 8, sinusubaybayan rin ng ahensiya ang tropical storm na si Bolaven (international name) na namataan 3,045 kilometro sa silangan ng Visayas.

Tumatahak ito pa-kanluran at may maximum sustained winds na 65 kilometro kada oras. Mayroon ring namataan na low-pressure area ang PAGASA 1,845 kilometro sa silangan ng Visayas bandang 3 a.m. ng Linggo, Oktubre 8.

Bagaman hindi pa direktang makakaapekto sa bansa, asahan ang maulap na papawirin at pabugso-bugsong pag-ulan.