MedTech graduate nag-take ng board exam habang nasusunog bahay

Walang kaalam-alam ang isang Medical Technologist graduate na naaabo na ang kanilang tahanan habang siya'y kumukuha ng licensure exams.

Walang kaalam-alam ang isang Medical Technologist graduate na naaabo na ang kanilang tahanan habang siya’y kumukuha ng licensure exams.

Sakto sa araw na nag-board exam si Christle Anne Maravilla nang masunog ang kanilang tahanan.

Sa Facebook post ni Maria Charmaine Lopez, kamag-anak ni Christle, pinakita ang larawan ng bahay na puro abo na lang ang makikita.


Nakiusap umano ang magulang ni Christle na huwag munang ipaalam sa kanilang anak ang tungkol sa sunog.

Wala umanong nasalba sa sunog kundi mga dokumento lang. Pati ang mga medal at certificate ni Christle ay nadamay din sa sunog.

Sa kabila ng pagsubok ay may magandang balita naman na dumating kay Christle makalipas ang ilang araw.

Pumasa ito sa Medical Technologist Licensure Examinations na makatutulong para muling maibalik ang mga nawala sa kanilang pamilya dahil sa sunog.

Ayon kay Christle, hinihintay niya lang ang kanilang oathtaking at mag-aapply na rin sa mga ospital bilang isang licensed medical techonologist.