Medical marijuana bill, umusad sa Senado

Umusad na sa Senado ang panukala para gawing legal ang paggamit ng cannabis o marijuana bilang gamot sa bansa.

Umusad na sa Senado ang panukala para gawing legal ang paggamit ng cannabis o marijuana bilang gamot sa bansa.

Ito ay matapos itong makatanggap ng 13 lagda mula sa mga senador.

Kasama sa mga pumirma sa pagsasalegal ng medical marijuana sina Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senador JV Ejercito, Senador Jinggoy Estrada at Senador Mark Villar.

Sa ilalim ng Senate Bill 2573 o ang Cannabis Medicalization Act, pinapayagan ang paggamit ng cannabis bilang gamot sa mga pasyenteng may debilitating conditions o nanghihina.

Ang tanging bibigyan lamang ng medical cannabis ay mga pasyenteng nagparehistro sa Philippine Medical Cannabis Authority (PMCA) na itatatag sa ilalim ng Department of Health (DOH).

Habang ang mga doktor naman na maaaring magreseta ng medical cannabis ay dapat mayroong special license at training mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), walang record ng anumang kaso, at ipinagbabawal ang pagrereseta nito sa kanilang sarili at sa mga kamag-anak.