Media panlaban ng bansa kontra fake news – Marcos

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ng mga mamamahayag sa bansa nitong Biyernes.

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ng mga mamamahayag sa bansa nitong Biyernes.

Nitong Mayo 3 ginunita sa buong mundo ang World Press Freedom Day. Nagpaabot naman ng mensahe si Marcos sa mga tinagurian niyang pinakamalakas na pandepensa kontra fake news.

“In Bagong Pilipinas, we celebrate our journalists for their courage in conveying unbiased reports, and we rely on them to continue being the stalwarts of truth and transparency,” pahayag ng pangulo.

“As the fourth pillar of our democracy, their words serve as our strongest defense against misinformation and fake news. Now, more than ever, their commitment to their work is crucial,” dagdag pa niya.

Samantala, naglabas ng hiwalay na pahayag ang Presidential Communications Office (PCO) kung saan tiniyak nito ang pagsuporta sa malayang pamamahayag.

“We recognize the myriad challenges journalists and media organizations confront as they carry out their vital duties. The PBBM administration remains steadfast in its endeavor to foster an environment where journalists can practice their profession free from fear of threats, reprisals, and violence,” saad ng PCO.