MECO umayuda sa mga ‘Pinoy na nilindol sa Taiwan

Inabutan ng tulong ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang mga Pilipino sa Tawain na naapektuhan ng malakas na lindol noong Abril 3.

Inabutan ng tulong ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang mga Pilipino sa Tawain na naapektuhan ng malakas na lindol noong Abril 3.

Binisita ni MECO chair Silvestre H. Bello III ang Hualien County, ang sentro ng lindol, ngayong Linggo.

Nakatanggap ng cash assistance sa daan-daang Pilipinong manggagawa na naapektuhan ang trabaho at buhay dahil sa trahedya.

“President Bongbong Marcos is very much concerned with your situation here and he has instructed us to extend all needed assistance to ease your condition,” sinabi ni Bello sa mga Pinoy sa Taiwan.

Bukod dito, nakipagkita rin si Bello sa mga opisyal ng Hualein at nagpasalamat sa kanila sa pag-aalaga sa mga Pinoy.

“We are here to extend the sympathy of our President to the government and people of Hualien. We are also here to check the condition of our kababayan,” dagdag nito.