Mayor Vice o Senator Vice?

Marami daw humihimok sa komedyanteng si Vice Ganda pasukin na rin ang mundo ng politika.

Marami daw humihimok sa komedyanteng si Vice Ganda pasukin na rin ang mundo ng politika.

Ito ang ibinalita ni ni Ogie Diaz sa kanyang latest ‘Showbiz Update.’

Ayon kay Ogie, may ilang nagsasabi na dapat kumandidatong mayor ng Maynila si Vice habang ang iba naman ay pinatatakbo itong senador.

“Yung mga kapitbahay ko (sa Maynila) tinatanong ako kung totoo bang tatakbo dito sa Manila bilang Mayor si Vice Ganda?” Ani Ogie.

“May humihimok kay Vice na tumakbong senador this midterm election dahil kakayanin daw ni Vice mag-number 1. Pero kung kilala ko ang lola mo, puwede nya sigurong i-consider pero pag-iisipan nya ng masinsinan, malalaliman yan,” hirit pa niya.