Mayor Lacuna sinupalpal paglipat ng Manila Zoo sa Masungi

Sinupalpal ni Manila Mayor Honey Lacuna ang panukala ni Senador Francis Tolentino na ilipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Sinupalpal ni Manila Mayor Honey Lacuna ang panukala ni Senador Francis Tolentino na ilipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Ayon kay Lacuna, bahagi na ng kasaysayan ng Manila ang Manila Zoo kung kayat hindi sila papayag na alisin ito.

Gumagawa na daw sila ng mga kaukulang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga hayop na nasa loob ng zoo.

Hindi na rin daw matatawag na Manila Zoo kung ito ay ililipat ng ibang lugar.

Sa kanyang mungkahi, sinabi ni Tolentino na mas makabubuti para sa mga hayop na ilagay sila sa kanilang natural habitat tulad ng Masungi Georeserve.

“We are not even talking about the relocation of the animals and the Masungi Georeserve. There could be other options, but Masungi is not on that road map,” pahayag ni Lacuna.