Maynilad, contractor dapat managot sa sink hole sa Pasay – senador

Nais ni Senator Ramon Revilla Jr. na panagutin ang Maynilad at ang contractor na ito matapos lumitaw ang malaking sink hole sa Pasay.

Nais ni Senator Ramon Revilla Jr. na panagutin ang Maynilad at ang contractor na ito matapos lumitaw ang malaking sink hole sa Pasay.

Kamakailan ay nagdulot ng mabigat na trapiko ang pagsasara ng bahagi ng Sales Road, Pasay City para sa pagkukumpuni ng butas.

Sabi ni Revilla, dapat ay tinitiyak ng Maynila na mayroon silang regular na pagsusuri at maintenance sa kanilang mga proyekto.

“Dapat mapanagot ang Maynilad at ang mga contractors nila dito. The sinkhole, measuring 2 by 3 meters and 8 to 10 feet deep, poses danger to motorists and nearby residential properties and buildings, including the foundation of the NAIAX (Ninoy Aquino International Airport Expressway) elevated highway,” pahayag ni Revilla sa isang panayam.

“Ilang beses na tayo nakakatanggap ng report na may pumutok na pipe sa ganito, minsan nagdudulot pa ng baha at nakaka-abala. Dapat bago pa lang magkaroon ng leak, na-check na. Tuloy-tuloy dapat ang inspection at maintenance,” dagdag pa nito.

Samantala, ang mga linya ng daan sa silangan ng Sales Road malapit sa Gate 3 ng Villamor Air Base ay nanatiling nakasara para sa patuloy na pagsasaayos sa butas.