May viral dito: 2 munisipyo sa Oriental Mindoro, nilagay sa state of calamity dahil sa ASF

Hindi man nakakaapekto sa tao ang African swine flu, minarapat pa rin Oriental Mindoro Governor Humerlito "Bonz" Dolor na isailalim ang munisipyo ng Roxas at Mansalay dahil nakumprimang nananalasa sa mga babuyan rito ang nasabing sakit.

Isinailalim ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor sa state of calamity ang mga munisipyo ng Roxas at Mansalay dahil sa pananalasa rito ng African swine flu.

Sa kanyang liham sa Sangguniang Panlalawigan, ipinaliwanag ni Dolor na ayon sa mga test na ginawa ng Provincial Veterinarian’s Office, nakumpirma nila na may ASF nga sa mga nasabing lugar, partikular na sa mga babuyan sa barangay Bagumbayan at Dangay sa Roxas.

Hindi naaapektuhan ng ASF ang mga tao, subalit maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa populasyon ng mga baboy.

“Isinagawa natin ang mga hakbang na ito [pagdeklara ng state of calamity] upang mapabilis ang mga aksyon upang hindi na kumalat ang ASF sa ibang bahagi ng lalawigan,” dagdag ni Dolo.

Kaugnay nito, nagpalabas na ang gobernador ng executive order na nagbabawal ang paglabas ng baboy or karne ng baboy mula Roxas at Mansalay.