May tama ka, mamang malaki! Eruption pinayuhan ang ‘It’s Showtime’ na laging mag-ingat

May payo si Eric 'Eruption' Tai sa kanyang mga dating kasamahan sa 'It's Showtime': “Just be safe on how we conduct ourselves on TV.”

Sa gitna nang bangayan ng ‘It’s Showtime’ at the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay nanawagan naman ang dati nitong host na si Eric “Eruption” Tai na dapat mag-ingat lagi sa kilos at salita.

“It kind of goes both ways. I don’t really know the depth of the situation pero I think we’re in the position to entertain people. In some ways, they could be offending others, and (to) some, just a joke or no harm. For me, we just got to be careful on what we do,” paliwanag ni Eruption sa isang interview sa Philstar.com.

Matatandaang pinatawan ng MTRCB ng 12 araw na suspensiyon ang ‘It’s Showtime’ dahil diumano sa malaswang galaw ng hosts nitong sina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng programa.

“Kung ano ‘yung klaseng situation ‘yung ginagawa natin, kailangang mag-ingat lang tayo kasi there’s kids watching. Kids probably won’t understand it that way, pero other people will say ‘Hey, hey, panget ‘yan,’” dagdag pa ni Eruption, na ngayon ay co-founder ng 2Kings Productions.

Payo pa ni Eruption sa kanyang dating mga kasamahan, “Just safe on how we conduct ourselves on TV.”